Featured post

AJ Perez is now trending on twitter

February 17 Aj’s birthday at ika-21st birthday din ni AJ Perez. Since birthday nya ngayon ang trending din sya sa twitter.com #ajperez at maraming tagahanga ng batang aktor ang nagpahatid ng kanilang pagbati ng kaarawan nito pero ang nalalapit na anibersaryo ay kamatayan nito. Ayon kay @jackiessst isa sa nagtweet sa akin ang death anniversary ni AJ ay sa April 17.

Kaya mali po na birthday ni AJ.

Featured post

MiniMe Trending Worldwide sa Twitter

Ang pinakabagong show ng “Its Showtime” na MiniMe ay nagtrending Worldwide sa twitter.com. Kauna-unahang sabak ng tatlong kuntestant ay talaga nagpamalas ng sobrang husay! Iba’t iba mang karakter ang ganap, pero lahat sila’y IN na IN sa mga hurado.

Ang tatlong sumabak kanina (March 24,2014) lahat pasok na. Ang Pinoy mapabata man o may edad na talagang mahuhusay pagdating sa larangan ng paligsahan.

Featured post

Viber presents the United Republiq Electronic Music Assembly for a cause at Mall of Asia

Viber salutes everyone who contributed to Typhoon Haiyan relief. Special thanks to Globe for providing free Viber Out calls to Globe mobile numbers (ended yesterday), and to Viber’s international telco partners for providing free Viber Out calls abroad (ends Nov. 25).

Viber presents the United Republiq Electronic Music Assembly for a cause at the Mall of Asia Concert Grounds tonight from 7pm to 3am. Featured performers DJ Axwell & Nicky Romero pledged their artist fees. Viber users who bring donations get in free at the Viber area. Join the vibe and help!
Visit Facebook.com/officialviberphilippines for more details. Tweet @Viber_ph
#Viberhelps #Vibersalute

Featured post

The Manila Debutant Ball of Got to Believe

Got to believe in magic? Wow! isa ako sa avid fan ng G2B na talagang kinababaliwan ng mga taong nagnanais mainlove tulad ni Chichay at Joacquin. Sobrang iba ang dating ng dalawang batang ito na talagang tinitilian ng mga kababaihan at kalalakihan.

So panoorin natin sa ang manila debutant ball na talagang ka-abang abang! Be ready sa mga rebelayon!

Featured post

Circle of Friends mula sa Gerry’s Grill

I forgot to share our moments in Boracay last March 14 to 16. It was bitin sobra but of course we really enjoyed so much our vacation.

So, we ate different dishes from different restaurants. We took different rides and complimentary card from Gerry’s Grill kahit na may additional fee pero okay na rin kasi may points.

Thanks sa mga friends ko rin kasi naging way ito para makapagrelax din kami. Sana i-try nyo rin.

Pastor ng Iglesia ng Dios; mga anak palsipikado

Pilipinas kong mahal, ako’y isang kumentarista na kung saan aking napuna ang bagay-bagay sa aking paligid lalo na ang mga paguugali na kailan ma’y hindi maitatago ng isang tao. 

Sa aming Barangay, may isang pamilya na kung iyong papansinin ay relihiyoso at walang bisyo, diba ang perpekto? Iyan ang nais kong iparating at ilabas dito sa aking Tagalog Journal. Tama nga ang aking lola at lola; hindi porket relihiyoso ang mga magulang sa isang pamilya ang mga anak santo’t santa na rin.

Dahil sa matagal ko na sila kakilala, dati akala ko’y mali lang ako pero noong nakita ko nasabi kong “TAMA NGA SILA”. Sinong Sila? e di ang aking mga kapitbahay. Bakit nga ba? Kasi ang isang anak ay Lasengo, ang isa naman magnanakaw, ang isa naman basagulero at ang isa naman maldita at kung sagot sagutin ang kanyang ina tila di mga nagsisimba.

Sa puntong ito, nais ko lang sabihin sa inyo make sure lang na nasa tama ang lahat – hindi sobra at hindi kulang kasi sabi nga “hindi maganda ang laging sobra”.

Pero hindi naman ako nanghihimasok sa inyong buhay kasi kayo yan eh at paki ko ba sa inyo. Ang akin lang, ang pangit tingnan lalo na’t tulad pa ng pamilyang ito.

-Admin montelebano II

TV5 Tagalog Movies

Pilipinas, buhay na buhay ang mga tagalog foreign movies na aking tinatangkilik tuwing noon time sa TV5. Oo mukhang kornik ito pero aminin naman natin ang totoo na talagang nakakasawa na ang nakagawian ng noon time show like Eat Bulaga at Showtime. Marahil mas mataas ang ratings ng noon time pero ito’y opinion na walang pwedeng bumali o mag-disagree sa akin.

Tulad nyo, nakakapagod kaya mas mabuti na yung makapanood ka ng something new movies na kung saan maaaliw ka at mageenjoy hanggang mawala ang iyong pagod o problemang iniisip.

Isa pa, opinion ko rin na sana huwag alisin ang wikang tagalog sa mga eskwelahan kasi ito ang ating foundation at aminin man natin o hindi maraming Pinoy pa ang shungak (tanga) sa pagtatagalog o sabihin tulad ko may mga wrong grammar sa tagalog pero dahil sa ating mga guro natututo ako.

Ang gobyerno nga naman wala ng di maisip…

Naghihirap ba talaga ang Pilipinas?

Ako po ay isang galang bata at mahilig sa gimiks, watching movies, playing dota at iba pang online games. Unfortunately may mga katunungan sa aking utak na medyo hirap akong unawain dahil di ko naman talaga alam ang takbo ng ikonomiya ng ating Bansa. Ang isa sa aking tanonh ngaun 1. Mahirap nga ba talaga ang bansang Pilipinas? 2. Kung hindi tayo naghihirap bakit maraming nagrereklamo? 3. Sadya nga bang reklamador lang ang mga Pinoy o maurirat/matanong lang? 4. Sino nga ba ang sadyang superman na makakapagpayaman on the spot ng ating bansa?

Ilan lang yang sa mga tanong gusto kong isiwalat at itanong. Nawa’y mayroong tao na tumulong sa akin upang magkakwenta naman ang ginawa kong ito. Sana rin magkaroon ako ng isang matinding kasagutan kung saan magiging katibayan ko o panghahawakan ko kung sakaling mayroon din magtanong nito sa akin.

O tulungan mo naman ako, please.

-jo;)