Marikina River

Red warning signal itinaas; Super typhoon inismol

SM City Marikina

Marikina River

Bago mag-alas­nuwebe kagabi, ang unang ­yellow at green warning ­signal na inisyu ng Philippine Atmospheric, Geophysical and ­Astronomical Services Administration ­(PAGASA) dahil sa malakas na buhos ng ulan ay itinaas sa red war­ning signal upang balaan ang publiko sa masaganang buhos ng ulan.

Ayon sa PAGASA, patuloy pa rin makakaranas ng “heavy to intense” rain o 7.5 mililiters (ml) hanggang 25 ml kada oras na estimated rainfall ang Kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan.

Dahil dito, pinag-iingat ng ahensya ang mga residenteng nakatira sa low-lying areas o mabababang lugar hinggil sa posibilidad ng pagbaha dulot ng southwest monsoon o hanging habagat.

Samantala, isang shallow low pressure area (LPA) sa layong 770 kilometers silangan ng Northern Luzon ang namataan ng PAGASA.

Samantala, minaliit naman nito ang posibilidad ng pagtama sa bansa ng isang ‘super typhoon’ dahil sa nararanasang walang tigi­l na buhos ng ulan na nasa ikalawang linggo na.

Sinabi ng ahensya na walang katotohanan ang kumalat na balita lalo pa’t ang binabantayang bagyo na may international name na ‘Haikui’ na huling namataan sa hilagang bahagi ng bansa ay napakaliit ang tsansang tumama sa bansa.

Bago pa ang pagtindi ng buhos ng ulan kahapon ng hapon ay sinuspende na ang klase sa halos lahat ng antas – pribado man o pampublikong paaralan – sa Metro Manila.

Ilang bahagi rin ng Quezon City ang binaha kasama rito ang ga-bewang na tubig sa Commonwealth Ave. sa bahagi ng Doña Carmen at sa Bgy. Bagong Silangan kung saan 524 pamilya o halos 2,000-katao ang inilikas.

Sa San Mateo at Rodriguez, Rizal, nagmistulang swimming pool ang ilang barangay nito matapos lumubog sa baha.

Halos 2,000 pamilya ang inilikas makaraang umapaw ang creek sa da­lawang bayang nabanggit.

Inilagay naman sa red alert status ang La Mesa Dam upang bigyang-babala ang mga residente sa paligid nito laban sa nagaganap na partial overflow kagabi matapos na umangat sa spilling level na 80.16 metro ang water level nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s