Agad-agad, Dingdong gusto nang magkaanak ng apat kay Marian

Matagal na palang gustong magkaanak ni Dingdong Dantes. Yup, you read it right. At apat ha?

Kaso hindi pa raw nila pinag-uusapan ni Marian Rivera ang kasal.

So, paano ’yun, wala na lang kasal? Anak agad?

“May plano naman, pero wala pa naman ngayon. Hindi pa namin pinag-uusapan. Darating tayo diyan,” sabi ng aktor na producer at director ng pelikulang Tiktik (The Aswang Chronicles) para sa kanyang Agostodos Pictures with Reality Entertainment and GMA Films.

Eh bakit balitang live-in partners na sila sa Rockwell condo na unit ni Marian?

“Hindi naman. Pero madalas ako doon. Decent hours naman,” dagdag niya, sabay tawa habang hindi tinitigilan sa pang-uurirat kung bakit ’di pa sila magpakasal ng reyna ng Kapuso Network.

Kung tutuusin ay nasa edad na sila, mayaman na sila pareho, at hindi na kailangan ng consent ng magulang. Pero natatawa lang ang actor.

Anyway, personal money ang investment sa Tiktik (The Aswang Chronicles) na sumusumpa ang aktor na kakaibang movie ito na first time na mapapanood sa isang local na pelikula bilang first Filipino feature na kinunan entirely on green screen in a studio at merong over 1600 VFX shots (for film) para makumpleto.

Last year pa sila natapos pero natagalan sa post production at finally mapapanood na sa Oct. 17. Source

One thought on “Agad-agad, Dingdong gusto nang magkaanak ng apat kay Marian

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s