Eugene pinagmumukhang hayok!

Ginagawan ba nila ng imahe si Eugene Domingo na ‘di lamang hindi bagay kundi nakakasira pa sa kanya? Just because single ang aktres at walang nababalitaang karelasyon ay binibigyan na nila ito ng eksenang hindi na maituturing na kissing scene kundi laplapan na animo’y sex starved ito.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangang pababain ni Eugene ang sarili niya at tumatanggap ng mga gantong eksena na hindi nakabubuti sa kanyang karera kundi nakakasira pa sa kanyang imahe. Okay na siguro kung isang comedy ang kanyang ginagawa pero paano kung isa itong seryosong proyekto, tulad ng Bona? Nakarating na ang komedyante sa puntong hindi na siya mababasta-basta pero sa pagtanggap niya ng mga ganitong eksena ay parang ibababa lang niyang muli ang kanyang estado.

Tulad ng kissing scene nila ni Edgar Allan Guzman. Sana hindi na naman totoong laplapan ang ginawa nila ng mas nakababatang aktor kundi isang passionate kissing scene lang.

Samantala, isa pang dramatikong pelikula ni Nora Aunor ang binaba­lak i-revive muli ng Unitel Productions na siyang gumawa ng I Doo Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila. Pero ’di tulad ng Bona na isa pa ring drama, musical naman ang magiging revival ng Himala na, si Ishmael Bernal ang naging direktor. Source

Eugene Domingo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s