Tulad pala ni Louise, Alden nadakmaan din ng sandata!

Hindi lang pala si Louise delos Reyes ang nabiktima ng mga bastos at tsansingerong fans. Kung ang aktres, dinakma ang flower sa regional show ng GMA 7, si Alden Richards ay nadakmaan ng manhood at gaya ni Louise, wala siyang nagawa kundi magulat.

Sa dami ng tao, hindi na malaman ng bida ng One True Love kung sino ang dumaklot sa kanya. Hindi naging dahilan ’yun para tumigil sa pagsama sa regional show si Alden dahil sa naipong talent fee galing ang pinambili niya ng second hand na kotse at nakapahinga siya sa pagko-commute.

“Before the year ends, baka mapalitan ko na ng Toyota Fortuner ang first car ko, sobrang pag-iipon at pagtitipid ang ginawa ko,” balita ni Alden.

Aabot sa 16 weeks ang One True Love at sabi ni Alden cliffhanger ng week 10 ay malalaman na ni Carlos (Raymond Bagatsing) na siya ang tunay na anak after malaman na pareho silang dyslexic. Ma­ra­mi pang iyakan at dramang magaganap kaya patuloy lang tumutok hanggang sa pagtatapos ng soap.

Samantala, nakaka-experience na rin si Alden sa generosity ng fans dito at sa ibang bansa. Ang gamit niyang iPhone 4S ay bigay ng isang female fan na hindi nagpakilala. Ipinaabot na lang sa PA niya ang phone na naka-box pa.

Regalo rin ng fans ang laptop at iba pang gad­gets na ga­mit niya. Dumarating na lang sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna at dahil walang return address, nagpapasalamat na lang siya ’pag nai-interview.

Excited na si Alden sa pagrampa niya sa Cosmo Bash sa World Trade Center sa Sept. 18, topless siyang rarampa. Nauna na ang pictorial niya sa centerfold ng September issue ng Cosmo at topless din siya. [Source]

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s